Loading detailsβ¦
Loading detailsβ¦
Artist
Si Roel Cortez ay isang dating Pilipinong mang aawit at manunulat na ang sumikat noong dekada 1980, na siya ang dating sumikat sa mang aawit ng pinasikat ang mga kantang Napakasakit Kuya Eddie, Dalagang Probinsyana, Pinay sa Japan, Bakit Ako'y Sinaktan at iba pa. Pinasikat niya rin ang mga kantang Baleleng (tagalog version), Iniibig Kita at Sa Mata Makikita. Nagpalabas na ang Universal Records ng kanyang mga awitin kasali ang videoke edition pero marami pa ring mga kantang luma ang patuloy pa rin na hinahanap ng kanyang mga fans dahil hindi naisali sa The Best of Roel Cortez na album. Ang mga ito ay ang mga kantang Lihim Kitang Minamahal, Sa 'Yo ibibigay at ang kantang May Tama Ako Sa 'Yo. May nag-upload na ng kantang May Tama Ako sa Yo sa youtube hanapin lamang ang titulo o di kaya hanapin ang Roel Cortez channel. May kanta din siya tungkol sa Pasko pero mahirap nang hanapin ang record at parang di na naririnig sa mga FM stations sa ngayong panahon. May isang music blog siya na ginawa ng isang fan at ito'y matutunton sa web address na www.roelcortez.blogspot.com May channel din sa youtube tungkol sa kanyang mga musika. Ito ay ang RoelCortezMusic. Diskograpiya * Ang Mahal Ko'y Ikaw Pa Rin * Bakit * Bakit Ako'y Sinaktan * Bakit Puso'y Nasusugatan * Baleleng * Dalagang Probinsyana * Halika Na * Iniibig Kita * Kahit Hindi Ka Na Malaya * Kahit Malayo Ka * Kay Sarap Mabuhay * May Tama Ako Sa'yo * Napakasakit Kuya Eddie